Blake's POV
Tss!
Nandito ako sa canteen.
Iniwan ko yung Cathie na yun.
Nakakainis kasi!
Ginawa ko na nga yung nasira niyang project dahil sa katangahan niya. Tapos nakakita lang ng lalaki hindi na ko binalikan sa library.
Peste.
Badtrip talaga. -_-
Iiwan niya ko para lang sa lalaking yon??
Eh mas gwapo pa ko dun eh!
Hindi ko na nga napuntahan yung "The Cereal Killers" sa meeting place namin para lang sa pesteng project niya! Tapos, ganun ganun na lang? Iiwan niya ako? Tss! Hindi naman yun gwapo.
Mas gwapo pa ako dun eh..
Naiirita ako kapag may kausap siyang ibang lalaki.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin toh.
By the way..
I'm Blake Ryder Tyson, but you can call me Blake.
16 years old. 3rd year highschool.
Kahit tinuturing kaming pasaway at bad boys sa school.
Nag aaral pa rin naman kami ng mabuti.
Ayaw kaya naming maabutan ng K-12.
The Cereal Killers.
Pangalan ng grupo namin.
Kaya yan yung naging name ng group namin, mahilig kasi kaming tatlo sa pagkaing may cereals.
Ang cute kasi, kapag kumakain kami, may tunog. Crunchy.
Raven Daniel Avena. We keep calling him Dan. But sometimes, Avena.
Gwapo yan! Chinito. Maputi at matangkad.
Pinaka tahimik saming tatlo kaya natatawag siyang suplado kahit hindi naman. Pero mabait.
Stephen Shane Dela Fuerta. Tinatawag namin siyang Step. Pang asar lang. Hehe. Pambabae kasi..
Playboy at ayaw sa nerd.
Lalong lalo na kay Liese. Member ng The Velveteens.
If I know, may gusto lang siya diyan kaya ganyan yan..
Ako?
Ako ang pinaka badboy samin.
Ako lang naman ang pinaka pasaway sa grupo namin kaya natatawag na bad boys ang The Cereal Killers.
Maraming nagkakagusto samin.
Syempre.
Pinanganak kaming gwapo eh..
Kasalanan ba namin mabigyan ng biyaya??
Madalang ang haters namin.
Kadalasan, kapag dumadaan kami sa harap ng isang babae, mas lamang ang humahangang tingin kesa sa pagkairita.
Pero sa mga haters na yun..
Kasama na ang The Velveteens.
Buti na nga lang hindi naging magkaka klase ang The Velveteens at The Cereal Killers eh..
Hassle lang. Tsk!
Sa ngayon.
Naglalakad na ko papuntang classroom.
Malapit na kasing matapos ang break namin..
Pagpasok ko..
"Hey there Blake!" Si Dan. "Where have you been?? We're looking for you kanina pa."
"San ka ba nanggaling?" Si Step.
Humakbang ako palapit sa kanila saka ibinato yung bag ko sa kung saan.
"Sa impyerno." Sagot ko saka pabagsak na umupo sa upuan sa tabi nila..
Itinaas ko pa yung mga paa ko sa upuan sa harap ko.
Tumawa si Step. "Mukhang mainit ulo mo pare ah? Naka engkwentro mo na naman ba si Cathie kaya ka na naman nagkakaganyan?"
Tumingin ako sa kanya ng naka kunot yung noo..
"How did you know?"
Inayos ni Dan yung binabasa niyang libro saka nagsalita.
"We're popular."
Oo nga pala.
Lahat nga pala ng kilos ng mga popular dito sa school, bantay. Alam ng lahat.
Kami kasi yung tipo ng grupo na sikat nga, pero hindi naman artista.
Tsk! Kainis!
"Pare, ano ba problema mo kay Cathie? Maganda naman siya. Sexy. Hot. At bumubulusok ang sex appeal." Sabi ni Step sabay tawa. "Kung may chance nga lang ako, liligawan ko yun eh. Kaya lang baka may magalit."
Sabi niya saka tumingin sakin ng nakangiti. Parang makahulugan?
"Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko.
"Wala lang. Gwapo mo kasi eh."
"Matagal na kong gwapo."
"Oo na lang. Wala na kong sinabi."
"Ano tawag mo diyan?"
"Hay ewan!" Tumingin siya kay Dan. "Dan, may assignment ka ba sa physics?"
"Oo. Bakit? Mangongopya ka na naman?" Napailing ito. "Wala ka na talagang pinagbago, Dela Fuerta."
Maya maya. Dumating na si Mr. Alejandrino. Adviser namin.
"Class, I have an announcement. Madadagdagan kayo ng tatlo. Actually, they, we're not a transferee. Lilipat lang sila dito. Taga section B sila. Matatalino sila kaya nilipat sila dito."
Madadagdagan na naman kami ng mapagti-trip-an. *evil grin*
Sana naman hindi yun yung The Velveteens.
"Sir!" Sabi ni Step saka nagtaas ng kamay. "Babae po ba? Sana maganda."
Tumawa yung buong klase.
Psh! Nakakatawa ba yun?
"Mr. Dela Fuerta. Oo babae sila. Umiiral na naman yang pagiging gahaman at sugapa mo sa mga babae." Sabi ni Sir saka umiling iling.
"By the way, let me introduce to you. Your new classmates. Cathie, Liese and Andrea. Also known as "The Velveteens" sila ang bago niyong kaklase."
Nagpalakpakan ang lahat. May mga sumigaw ng "Akin ka na lang Cathie!". May sumisipol. Sa madaling salita, nagkakagulo ang lahat.
Kasasabi ko lang na sana hindi sila eh.
Siniko ako ni Step saka bumulong sakin, "Mukhang magkakaron ng world war III ah?"
--*
Blake yung nasa picture. Sungit mode.