Hi!^^ I'm Catherine Angeles. 14 years old going to 15 on october 14, 2013.
Nag-aaral ako sa pinakasikat na akademya sa maynila. Ang Precious Destiny Academy. And that academy is only for riches.
3rd year highschool. Long hair, maganda, sexy, hot and etc... Yan ang description nila sakin.
Sikat kami sa school. Kilala kami sa pangalang "The Velveteens"
And syempre, bawat isa samin may kanya-kanyang personality. Tatlo lamang kami.
Si Annaliese De Guzman (Analis) In short Liese (Lis) - siya ang pumapangalawa sa grupo namin. Nerd siya sa paningin ng iba kasi she's wearing an eyeglasses. Pero mahahalata mo yung ganda. Hindi siya maarte. Siya ang pinakamatalino sa grupo namin. Mahiyain pero napakabait.
Si Cassandra Concepcion (Kasandra) In short Andrea (Andreya) - siya ang pumapangatlo sa grupo namin. Matakaw siya pero hindi halata kasi hindi siya tabain. Maganda din kaya madaming nagkakagusto. Torpe nga lang. Kaya no boyfriend since birth yan.
Si Catherine Angeles (Katerin) In short Cathie (Ka-ti) - ako yun. ^_^ Ang itinuturing na pinakaleader ng grupo. Kikay ako. And yeah, rich. Sikat. And maganda.
Sa grupo kasi namin. Ilap sila. Kesyo sikat kami at mayayaman kaya kami lang talagang tatlo ang pinaka magkakaibigan. Kami din yung tipo ng grupo na sikat nga pero hindi naman artista. Something like that.
About my parents nga pala. Nasa states sila. Inaasikaso yung family business namin dun. I understand if wala sila sa tabi ko. Alam ko naman na they love me so much.
Masasabing independent ako dahil ako lang mag-isa ang nakatira sa mansyon namin. Hindi ako pumayag ng mag-offer ang mom ko na bigyan ako ng katulong. I just want to proved to them na hindi na ako bata at kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa.
My mom is half chinese and half filipino. My father is pure korean. So ang kinalabasan ko is a half korean, 1/4 chinese, 1/4 filipino. Kaya naman eh kinalabasan ng mata ko is singkit.
Meron pa ba akong hindi nasasabi about me?
Ah oo. Kung nandito kaming "The Velveteens" na mabait at friendly.
Meron naman kaming kaaway na sikat din pero mayayabang. Gwapo silang lahat. Hearthrob. Rich. Tatlo din sila.
Si Raven Daniel Avena In short Daniel - pumapangalawa sa grupo nila. Rich. Handsome. Chinito. White yung skin. Macho. Mayabang. Suplado pero tahimik. Balita namin siya tagadisiplina sa grupo nila. Di nga?
Si Stephen Shane Dela Fuerta In short Stephen - pumapangatlo sa grupo. Sa tingin ko siya na yung pinakamatino sa grupo nila. Pero playboy at hate na hate ang mga nerds. Kaya galit na galit sa kanya si Liese kasi nayayabangan siya dito.
At ang pinakahuli. Ang pinakaleader ng grupo nila. Si Blake Ryder Tyson. O mas kilala sa tawag na Blake. Gwapo nga mayabang naman. Suplado at nakakainis. Balita ko hindi pa yata siya nagkaka-girlfriend. Weh? Sa itsura niyang yan eh wala pang nagkamali? Imposible. Pero kung totoo naman yun. Hmp! Buti nga sa kanya! :p
They called "The Cereal Killers". Mahilig daw kasi sila sa cereals.
Hindi sila sumusunod sa mga rules. Dahil para sa kanila, "rules are made to be broken". Their not good in terms and condition. Kapag nakikipag-deal sila, asahan mong hindi sila tutupad. Pagti-tripan pa nila yung kung sino mang Poncio Pilato na yun.
Pinaka-ayaw ko sa kanila? Sino pa ba? Edi yung pinaka-leader nila at masasabi kong pinaka-gwapo sa kanilang tatlo at pinaka-mayabang! Si Blake Ryder Tyson!
Alam niyo bang naka-engkwentro ko na yun sa isang kalunus-lunos na sitwasyon?
Flashback
Tumatakbo ako sa hallway ng Precious Destiny University papunta sa Room 104 dahil late na ako ng 25 minutes. Kung bakit ba naman kasi nai-set ko ang alarm pero hindi ko naman nai-on. Psh! Tinuringang imported eh! Ngayon, mamumuhay siya ngayon sa basurahan habang buhay.
Nagmamadali na talaga ako. May dala pa kong tatlong libro ang bigat tuloy! >.<
Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Tak-- "Ayy!!"
Bwiset na lalaking toh o! Kitang nagmamadali eh!
Pinulot ko iyong libro ko. "Kuya, hindi mo man lang ba--"
*look up*
o___O -ako
:3 -siya
A-ang gwapo. o////O
"Miss, pwede sa susunod. Tumingin ka sa dinadaanan mo dahil nakakasagabal ka sa dinadaanan ko."
Okay.
Turn off.
Mabilis kong pinulot yung mga libro ko. Tumayo ako at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
"Eh gago ka pala eh! Kung tumitingin ka din sana sa dinadaan mo edi sana hindi mo ako nabangga! Alam mo namang nagmamadali yung tao tapos haharang ka sa dinadaanan ko?? Aba! You're mean!"
"No I'm not. Baka ikaw. Ang daldal mo. Hindi ka naman kagandahan."
"Abat--"
Pero tinalikuran niya lang ako.
Kabadtrip.
End of Flashback
Yan yung eksaktong nangyari at hinding-hindi ko makakalimutan yun! Akala mo kung sinong gwapo. Ang yabang yabang kala mo kung sino.
--*
(A/N) Natagalan ba ang updates ko? Sorry for waiting! ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento